Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan pa ito. Pareho lang naman an sasabihin mo tungkol sa iyong sarili maging sa Ingles o Tagalog. Ang labo. Alam niyo ba na mahirap ilarawan ang sarili na purong Tagalog ang gagamiting salita? Ay naku. Kung alam niyo lang kung gaano namilipit ang aking dila sa mga pahayag na ito. At hindi ko pa rin maisip kung paano ilalarawan ang aking sarili sa wikang Tagalog. Hindi ito dahil mas alam ko ang Wikang Ingles. Ito ay sa simpleng dahilan na may mga salitang Ingles na hindi kailanman malalapatan ng kasingkahulugan sa wikang Pilipino.
I am sweet, lovable, and understanding